Home Legislations Referrals Reports Speeches
Navigation

Republic of the Philippines
Office of the Sanguniang Bayan
Taytay, Rizal


Resolution No. 324 series of 2023

PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NI G. JOSE “TONG” P. TORIO JR., KAGAWAD NG BARANGAY DOLORES AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY, LALAWIGAN NG RIZAL


SAPAGKAT, siya ay huwarang Kagawad na naglingkod ng dalawang termino sa Barangay Dolores mula sa taong 2013 – 2018 at 2018 – 2023;

SAPAGKAT, sa kanyang paglilingkuran ay nagpamalas siya ng ibayong sipag, talino, kababaangloob at dedikasyon na nakatulong sa pagpapaunlad sa pamayanan at nagbigay ng hindi matatawarang serbisyo sa Barangay Dolores;

SAPAGKAT, ang buong Bayan ng Taytay, sa pangunguna ng Punong Bayan Allan Martine S. De Leon at ang bumubuo ng ika-12 Sangguniang Bayan ng Taytay ay nagpapaabot ng panalangin para sa mapayapang paglalakbay ng kapwa lingkod bayan na yumao kamakailan;

LUBUSANG PINAGPASYAHAN, kagaya ng lubusang pagpapasya, ang PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NI G. JOSE “TONG” P. TORIO JR., KAGAWAD NG BARANGAY DOLORES AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY, LALAWIGAN NG RIZAL.

PINAGPASYAHAN PA, na ipadala ang sipi ng Kapasyahang ito sa kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY NG LUBUSAN, ngayong ika-15 ng Nobyembre, 2023, 3:10 ng hapon dito sa Bulwagang Kapulungan ng Gusaling Pambayan ng Taytay, Rizal.

Authored by:
Kon. Ma. Jeca B. Villanueva

Co-Authored by:

Sponsored by:

Co-Sponsored by:
Pangalawang Punong Bayan Sophia Priscilla L. Cabral Kon. Jan Victor B. Cabitac
Kon. Philip Jeison J. Cruz
Kon. Patrick John P. Alcantara
Kon. John Tobit E. Cruz
Kon. Joanne Marie P. Calderon
Kon. Ma. Elaine T. Leonardo
Pangulo Ped. SK Janinah Olivienne D.L. Mercado