
Republic of the Philippines
Office of the Sanguniang Bayan
Taytay, Rizal
Resolution No. 421 series of 2024
ISANG KAPASYAHAN NA NAGPAPAHAYAG NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY AT PAKIKIDALAMHATI SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NI DATING PANGALAWANG PUNONG BAYAN NG TAYTAY, KGG. DOKTOR ASER BALAORO RAM AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN
SAPAGKAT, si Kgg. Doktor Aser Balaoro Ram ay ipinanganak noong ika-28 ng Enero, 1944 at sumakabilang buhay noong ika-18 ng Hunyo, 2024 sa edad na 80 gulang;
SAPAGKAT, si Kgg. Doktor Aser Balaoro Ram ay nahalal at nagbigay serbisyo bilang Pangalawang Punong Bayan ng Taytay noong Enero 1988 hanggang Marso 1992 at nagtala ng paglilingkurang publiko ng buong katapatan sa kanyang nasasakupan;
SAPAGKAT, sa kanyang paglilingkod, siya ay nagpamalas ng ibayong sipag at katalinuhan na nakatulong ng malaki upang mapaganda at maging maayos ang pambayang serbisyo partikular sa Sangguniang Bayan;
SAPAGKAT, nagsilbi din siya bilang isang Resident Physician RPH EENT, kasangguni ng Medical City at RMC, Medical Director ng Pililia Medicare Hospital, Director ng Angono General Hospital, Director ng Rizal Provincial Hospital Morong, Chief Technical Health Division ng Rizal Province, at Volunteer Doctor ng Barangay Sta. Ana simula 2010 - 2019;
SAPAGKAT, sa maraming pagkakataon ay inuna niya ang pagiging matulungin sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay lunas sa sakit ng mga mamamayan sa Taytay;
SAPAGKAT, sa pagyao ni Kgg. Doktor Aser Balaoro Ram, ay nag-iwan sa atin ng matinding kapanglawan, katangi-tangi, masikhay at mapagkalingang pamanang gampanin na lubos nating ipinagpapasalamat at patuloy na isusulong at itataguyod bilang bantayog ng isang mabait at mapagmahal na lingkod bayan;
LUBUSANG PINAGPASYAHAN, kagaya ng lubusang pagpapasya, ang PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA ASAWA, MGA ANAK AT KAPATID NG NAULILA SA PAGYAO NI KGG. DOKTOR ASER BALAORO RAM BILANG DATING PANGALAWANG PUNONG BAYAN NG TAYTAY, LALAWIGAN NG RIZAL.
PINAGPASYAHAN PA, na ipadala ang sipi ng Kapasyahang ito sa kinauukulan para sa kanilang kabatiran.
PINAGTIBAY NG LUBUSAN, ngayong ika-19 ng Hunyo, 2024, 3:21 ng hapon dito sa Bulwagang Kapulungan ng Gusaling Pambayan ng Taytay, Rizal.
Authored by:
Coun. Jan Victor B. Cabitac
Co-Authored by:
Sponsored by:
Coun. Joanne Marie P. Calderon
Co-Sponsored by:
Pang. Punong Bayan Sophia Priscilla L. Cabral Kon. Ma. Jeca B. Villanueva
Kon. Philip Jeison J. Cruz
Kon. Patrick John P. Alcantara
Kon. John Tobit E. Cruz
Kon. Ma. Elaine T. Leonardo
Kon. Andres C. Cruz Jr.
Pangulo LnB Roseller Z. Valera
Pangulo Ped. SK Janinah Olivienne D.L. Mercado