Home Legislations Referrals Reports Speeches
Navigation

Republic of the Philippines
Office of the Sanguniang Bayan
Taytay, Rizal


Resolution No. 428 series of 2024

ISANG KAPASYAHAN NA NAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NG DATING PUNONG LALAWIGAN KGG. REYNALDO REYES SAN JUAN, M.D., LLB, AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY AT NG BUONG LALAWIGAN NG RIZAL


SAPAGKAT, sa kanyang mahabang panahong paglilingkod sa Bayan at sa Probinsya ng Rizal, si Kagalang-galang Reynaldo “Rey” R. San Juan ay nagpamalas ng ibayong sipag at katalinuhan na nakatulong ng malaki upang mapaganda at maging maayos ang serbisyong pambayan at panlalawigan;

SAPAGKAT, si Doktor Rey San Juan ay nagsilbing Municipal Health Officer ng Taytay habang tinatapos ang kanyang pag-aaral ng abogasya sa gabi;

SAPAGKAT, si Doktor Rey San Juan ay naglingkod bilang Konsehal ng Taytay mula ika-1 ng Enero, 1972 hanggang ika-2 ng Oktubre, 1979;

SAPAGKAT, si Gobernor Rey San Juan ay naglingkod bilang gobernador ng Probinsya ng Rizal mula ika-2 ng Pebrero, 1988 hanggang ika-30 ng Hunyo, 1992;

SAPAGKAT, sa maraming pagkakataon ay naipamalas nya ang kanyang pagiging matulungin at mabuting halimbawa sa mga mamamayang may pagmamahal sa kaunlaran ng ating Bayan ng Taytay at sa Lalawigan ng Rizal;

SAPAGKAT, ang buong Bayan ng Taytay, sa pangunguna ng Kgg. Punongbayan Allan Martine S. De Leon, MPA at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Taytay ay nagpapaabot ng panalangin para sa mapayapang paglalakbay ng kapwa lingkod bayan patungo sa kaharian ng Dakilang Maylikha;

LUBUSANG PINAGPASYAHAN, kagaya ng lubusang pagpapasya, NA NAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NI KGG. DATING PUNONG LALAWIGAN REYNALDO R. SAN JUAN, M.D., LLB, AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY AT NG BUONG LALAWIGAN NG RIZAL.

PINAGPASYAHAN PA, na ipadala ang sipi ng Kapasyahang ito sa kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY NG LUBUSAN, ngayong ika-10 ng Hulyo, 2024, 3:48 ng hapon dito sa Bulwagang Kapulungan ng Gusaling Pambayan ng Taytay, Rizal.

Authored by:
Kon. Philip Jeison J. Cruz

Co-Authored by:

Sponsored by:
Kon. Philip Jeison J. Cruz

Co-Sponsored by:
Pang. Punong Bayan Sophia Priscilla L. Cabral Kon. Jan Victor B. Cabitac
Kon. Ma. Jeca B. Villanueva
Kon. Patrick John P. Alcantara
Kon. John Tobit E. Cruz
Kon. Joanne Marie P. Calderon
Kon. Ma. Elaine T. Leonardo
Kon. Andres C. Cruz Jr.
Pangulo LnB Roseller Z. Valera
Pangulo Ped. SK Janinah Olivienne D.L. Mercado