Home Legislations Referrals Reports Speeches
Navigation

Republic of the Philippines
Office of the Sanguniang Bayan
Taytay, Rizal


Resolution No. 597 series of 2025

PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NI KGG. ALMARIO ATANACIO CRUZ AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY, RIZAL


SAPAGKAT, si Kgg. Almario Atanacio Cruz ay naging isang huwarang lingkod bayan na tapat at buong pusong naglingkod sa mga mamamayan ng Taytay, Rizal;

SAPAGKAT, siya ay naglingkod bilang Vice Mayor ng Bayan ng Taytay mula Enero 1, 1972 hanggang Disyembre 9, 1975, at bilang Konsehal mula Enero 5, 1976 hanggang Oktubre 2, 1979, kung saan ipinamalas niya ang kanyang malasakit, katapatan, at dedikasyon sa tungkulin;

SAPAGKAT, sa kanyang panunungkulan ay naipamalas ni Kgg. Cruz ang mataas na antas ng pamumuno at paglilingkod na nagbigay ng mahalagang ambag sa kaunlaran at kapakanan ng bayan at ng mga mamamayan nito;

SAPAGKAT, ang kanyang pagpanaw ay isang malaking kawalan hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa buong sambayanan ng Taytay na kanyang pinaglingkuran;

SAPAGKAT, ang buong bayan ng Taytay sa pangunguna ng Kgg. Punong Bayan Allan Martine S. De Leon at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Taytay ay nagpapaabot ng panalangin para sa mapayapang paglalakbay ng kapwa lingkod bayan patungo sa kaharian ng Dakilang Maylikha;

LUBUSANG PINAGPASYAHAN, kagaya ng lubusang pagpapasya, ang PAGPAPAABOT NG TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY SA BUONG PAMILYANG NAIWAN SA PAGYAO NI KGG. ALMARIO ATANACIO CRUZ AT PAGKILALA SA KANYANG PAGIGING HUWARANG LINGKOD BAYAN NG TAYTAY, RIZAL.

PINAGPASYAHAN PA, na ipadala ang sipi ng Kapasyahang ito sa kinauukulan para sa kanilang kabatiran.

PINAGTIBAY NG LUBUSAN, ngayong ika-07 ng Mayo, 2025, 2:08 ng hapon dito sa Bulwagang Kapulungan ng Gusaling Pambayan ng Taytay, Rizal.

Authored by:
Pangulo LnB Roseller Z. Valera

Co-Authored by:

Sponsored by:
Pangulo LnB Roseller Z. Valera

Co-Sponsored by:
Pang. Punong Bayan Sophia Priscilla L. Cabral Kon. Jan Victor B. Cabitac
Kon. Ma. Jeca B. Villanueva
Kon. Philip Jeison J. Cruz
Kon. Patrick John P. Alcantara
Kon. John Tobit E. Cruz
Kon. Joanne Marie P. Calderon
Kon. Ma. Elaine T. Leonardo
Kon. Andres C. Cruz Jr.
Pangulo Ped. SK Lucia Marie D. Alcantara